Ikaw Lamang

Hindi alam parati kung ano ang sasabihin
Hindi alam papaano ko ba gagawin?
Ba't pinipigilan na sa iyo'y mapalapit?
Hindi alam kung bakit ilang sa iyong tabi

Ngunit Ikaw ang unang umibig
At ngayon Ika'y dumating
Hindi na tatanggi

Dahil Ikaw lamang
Ang aking mamahalin
Ikaw lamang
Ang tanging iibigin
Sa hirap at ginhawa
Hindi ako magsasawa
Hindi ka bibitawan
Para sa walang hanggan

Dahil Ikaw lamang
Ang aking mamahalin
Ikaw lamang
Ang tanging iibigin

Sa bawat minuto
Na Ika'y kasama ko
Palaging ligtas ang puso
Panatag sa Iyo

Hindi Mo hinayaan na ako ay mawala
Pag-ibig nga na tunay
Para sa ating dalawa

At dahil Ikaw ang unang umibig
At noong Ika'y dumating
Sa Iyo lang titingin

Dahil Ikaw lamang
Ang aking mamahalin
Ikaw lamang
Ang tanging iibigin
Sa hirap at ginhawa
Hindi ako magsasawa
Hindi ka bibitawan
Para sa walang hanggan

Pangakong hindi kita iiwan kailanman sinta
Pangakong hindi kita pababayaan kailanman
Pangakong sa iyo'y hindi mawawalay

Magunaw man itong mundo
Pag-ibig ko ay totoo
Handa kong ibigay ang buhay ko

Dahil Ikaw lamang
Ang aking mamahalin
Ikaw lamang
Ang tanging iibigin

Sa hirap at ginhawa
Hindi ako magsasawa
Hindi ka bibitawan
Para sa walang hanggan

Dahil Ikaw lamang
Ang aking mamahalin
Ikaw lamang
Ang aking iibigin

Sa hirap at ginhawa
Hindi ako magsasawa
Hindi ka bibitawan
Para sa walang hanggan

Dahil Ikaw lamang
Ang aking mamahalin
Ikaw lamang
Ang aking iibigin



Credits
Writer(s): Jeshua Adiel Tabilin
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link