Aking Pangarap

Maraming kasali na di ako maunawaan (Maunawaan)
Di dahil sa sulat kundi dahil walang pangalan (Walang pangalan)
Aminadong hindi pa plakado sa nilalakaran (Nilalakaran)
Binabagtas ko lang ang mga pinakinabangan ng minsan kong
Hinangaan kapalaran para sakin din ba to?
Pero bakit parang sa mali lang nakaabang mga mata niyo?
Akala ko ganun lang kadali na tagumpay ay matamo
Mas pahihirapan ka palang umakyat ng mga hindi makaabot
Kahit hindi ka patapon nakahanda yung asarol
Isang maling sagot baon

Saan nga ba ako dadalhin ng aking pangarap? (Aking pangarap)
Ano ang sagot sa tanong na aking hinahanap? (Aking hinahanap)
Ano pa ba ang kailangan isagad at dumanak?
Para tuluyan ko na maramdaman ang ginhawa

Ako yung tipong malabong magustuhan ng masa
Pero ako din yung tipon di pabuhat saking mga kasama
Tumanda na sa talento umaasa
Ulong pang itaas ang aking mas pinapagana dahil
Walang nakikinig miski mga kadugo ko di nabibilib
Akala ko walang sagot kaya umiiling
Kaharap pala ako kaya di umiimik
Disiotso sumampa, umaawit kahit hindi ko kanta
Nagpapalawig upang tunog humambalos sa mga
Edad lang ang tumanda
Kaya kahit sumusobra bakit kulang pa
Andiyan sila sayo para hatulan ka
Ngunit walang dahilan para ako ay tumigil
Kahit lahat pa kayo ay umamba (Pah!, pah!, pah!)

Saan nga ba ako dadalhin ng aking pangarap? (Aking pangarap)
Ano ang sagot sa tanong na aking hinahanap? (Aking hinahanap)
Ano pa ba ang kailangan isagad at dumanak?
Para tuluyan ko na maramdaman ang ginhawa

Tumibay aking haligi sa binabato niyo sakin (Aha)
Kasalanang inungkat ay lalo sakin nagpalalim
Di lahat tinatanggap sa kung ano mang nakahain
Dahil madalas sa pain ay meron diyang nakakawit
Sa aking pag titiyaga, mapapalaban pero may mapapala
Nadadapa na parang batang di nadadala dahil kalamangan
Koy di ako umaayaw
Hanggang sa inunawa na ang tunog ko ng buong bansa
Sa bawat tao'y meron na ako mabuting bansag
Sa kultura'y nagkaroon narin ng munting ambag
Ang aking mga inipon hindi na nakatambak
Salamat sa aking sarili dahil nga lumalaban ka
Marahil yung iba patuloy umaangal pa
Habang yung pangalan ko ay kumalat na

Hawak hawak ko na ang aking mga pangarap
Nakuha ko na ang sagot na kay tagal kong hinanap
Purong pag ibig lang pala dapat ang ialay
Salamat at naramdaman ko narin ang ginhawa



Credits
Writer(s): Brix James Ado-an
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link