Alay

Naririnig ko pa rin
Boses mong naglalambing
Kahapon, ngayon, at bukas
Nasa 'yo ang aking lunas

Galak ng dibdib, wala nang papalit

Kung ika'y muling iibig ngayon
Sana'y lumingon ka at ako'y hanapin
Kahit may dumating, hindi sasambitin
Ng puso kong inalay na sa 'yo

Saan ka ba ngayon?
Lumalakas ang ambon
'Di na kita maaalagaan
Iba na ang sasandalan

Alaala mo ang siyang yakap ko

Kung ika'y muling iibig ngayon
Sana'y lumingon ka at ako'y hanapin
Kahit may dumating, hindi sasambitin
Ng puso kong (puso kong) inalay na sa 'yo

Kay tagal ko na ring pinipilit (pinipilit)
Na sa akin kang kamay maaakit
Walang may alam, suntok sa buwan

Kung ika'y muling iibig ngayon
Sana'y lumingon ka, lumingon
Kahit may dumating, hindi sasambitin (hindi sasambitin)
Ng puso kong inaalay

Kung ika'y muling iibig ngayon
Sana'y lumingon ka at ako'y hanapin
Kahit may dumating, hindi sasambitin (sasambitin)
Ng puso kong inalay na sa 'yo

Naririnig ko pa rin



Credits
Writer(s): Raymund Sarkee Sarangay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link