Dagdag Na Alaala

Siguro nga, mabilis ang panahon
Parang dati ay nagkikilalanan lang noon
At ngayon, higit pa sa magkakaibigan ang turingan
Pinatibay ng taon ang ating mga samahan

Mga halakhak nating sagaran, 'di alam patutunguhan
Mga tampuhang mababaw na hindi nagtatagal
Tambay sa bahay ng isa, libreng meryenda galing kay tita
Sabik na maulit, kasama kaibigan ay isusulit
Para madagdagan ang alaalang itatabi, hmm

Oh, siguro nga magwawatak-watak ng landas
Pero ang koneksyon ay hinding-hindi maaalpas
Dumaan man ang araw, sila pa rin ang natatanaw
Na iiyak at kakantiyaw 'pag ako ay kinasal

Mga halakhak nating sagaran, 'di alam patutunguhan
Mga tampuhang mababaw na hindi nagtatagal
Sa klase, 'pag babanyo ang isa, lahat ng tropa ay sasama
Sabik na maulit, kasama kaibigan ay isusulit
Para madagdagan ang alaalang itatabi, hmm

Dagdag na alaala, kaibigan
Dagdag na alaala, kaibigan
Dagdag na alaala, kaibigan

Higit pa sa magkakaibigan ang turingan
Pamilyang matatawag ang samahan
Hindi lang tagapunas ng luha o tagabigay ng ngiti
At sila'y hindi ka ikakahiya o iiwan sa huli
Pwede bang ibalik?

Mga halakhak nating sagaran, 'di alam patutunguhan
Mga tampuhang mababaw na hindi nagtatagal
Alam kong 'di tayo pabata, kaya ginawa ko itong kanta
Para may balikan na alaalang itinabi, hmm

Dagdag na alaala, kaibigan
Dagdag na alaala, kaibigan
Dagdag na alaala, kaibigan

Kay sarap balikan alaalang magkakaibigan



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Angela Ken Roxas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link