Tahanan

Nung una, kay layo ng mga puso nating dal'wa
Nung una, pangarap lang na ang puso mo'y makamtan
Nung una, ako'y nanalangin lang na baka mapagbigyan

Ngunit sa hindi inaasahan
Ang puso ko'y iyong natagpuan

Pag-ibig na dati'y pangarap lang
Ngayon ay aking nagsisilbing tahanan
'Di inakalang makakamtan
Sa lapis at papel ng Kanyang biyaya
Iginuhit Niya tayo sa isang
Tadhana

Lumipas oras at mga araw nating dal'wa
At 'di ko mawari ang pagpapala na natamo
Tadhana, noo'y panalangin lang na ngayo'y napagbigyan

Isang tagpong hindi ko akalain
Tulad mo'y higit pa sa'king panalangin

Pag-ibig na dati'y pangarap lang
Ngayon ay aking nagsisilbing tahanan
'Di inakalang makakamtan
Sa lapis at papel ng Kanyang biyaya
Iginuhit Niya tayo sa isang

Tulad ko 'di karapatdapat
Ngunit heto nga ako ngayo'y buong pusong tinanggap
Ng tulad mong mula sa kalangitan
Pag-ibig na ang Diyos ang siyang namamagitan

At heto tayo ngayon sa biyaya ng Panginoon
Pangako kailan ma'y mananatili sa piling mo
Tahanan na ngayo'y natagpuan sa pag-ibig mong laan

Labis ngayon ang aking kagalakan
Kasama ko'y anghel sa isang tahanan

Pag-ibig na dati'y pangarap lang
Ngayon ay aking nagsisilbing tahanan
'Di inakalang makakamtan
Sa lapis at papel ng Kanyang biyaya
Iginuhit Niya tayo sa isang
Tadhana
Tadhana
Tadhana
Tadhana

Nung una kay layo ng mga puso nating dalawa



Credits
Writer(s): Jared Malmis
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link