Anino

Isip ay ginugulo
Sumasakit na ang ulo
Tuloy tuloy, ikot ng mundo
O kailan ba titigil 'to?

Isip di mapakali
Hinahabol bawat sandali
Nasisiraan ng bait
O kailan ba titigil 'to?

Para kang isang anino
Sunod nang sunod
Sa bawat kilos

Araw at gabi
Ika'y nasa tabi

Aking anino
Sunod nang sunod

Habang buhay na lang ba kita iisipin?
Di ako pakakawalan?
Ang nakaraan lumipas na
Kinalimutan at di na mahalaga

Nagtago sa karimlan
Anino'y di matagpuan
Dama ang lumbay sa pag-iisa

Alipin ng sarili kong
Utak at damdamin
Ayoko na ng ganito

Para kang isang anino
Sunod nang sunod
Sa bawat kilos

Araw at gabi
Ika'y nasa tabi

Aking anino
Sunod nang sunod

Habang buhay na lang ba kita iisipin?
Di ako pakakawalan?
Ang nakaraan lumipas na
Kinalimutan at di na mahalaga

Habang buhay na lang ba kita iisipin?
Di ako pakakawalan?
Ang nakaraan lumipas na
Kinalimutan at di na mahalaga

Para kang anino na
Nakadikit sa 'king tabi

Pilit mang takasan
Pagkabigo lamang ang narating

Para kang anino na
Nakadikit sa 'king tabi
Aking pagkabalisa
Hanggang kailan makukubli

Para kang anino na
Nakadikit sa 'king tabi
Pilit mang takasan
Pagkabigo lamang ang narating

Para kang anino na
Nakadikit sa 'king tabi
Aking pagkabalisa
Hanggang kailan makukubli

Para kang anino na
Nakadikit sa 'king tabi



Credits
Writer(s): Anna Patricia Sarabia, Howard Keenan Luistro, Juan Luis De León, Maria Isabella Zulueta
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link