Walang Kasama

Binigay ko ang puso sa'yo
Nilagay sa bulsa't tinakbo
'Di na kita nakikita
'Di ka man lang nagiwan ng babala
Walang kasama
Ako'y wala ng kasama

Ilang taon nang nakalipas
'Di parin makalimot ang mundo ko
Hangga't sa 'di na makatakas
Sa mga damdaming tinatago
Meron ka nang iba
At ang saya saya niyo pa
Kung pwede lang sana
Habang buhay kayang ilihim ang nararamdaman

Binigay ko ang puso sa'yo
Nilagay sa bulsa't tinakbo
'Di na kita nakikita
'Di ka man lang nagiwan ng babala
Alam mo lahat gagawin ko
Para lang makalimot sa'yo
Ang masaklap iwanan ka'y mahirap
Tatrabahuhin na lang ang pagtanggap
Walang kasama
Ako'y wala ng kasama

Ganun talaga
Kung walang halaga
'Di kita sinisisi
Gusto lang makapiling
Ililihim ang nararamdaman
Kung okay ka na
Wala na 'kong magagawa
Trabahuhin na lang ang pagtanggap

Wala na wala ng kasama
Wala na wala ng kasama
Wala na wala ng kasama
Wala na wala na wala na

Binigay ko ang puso sa'yo
Nilagay sa bulsa't tinakbo
'Di na kita nakikita
'Di ka man lang nagiwan ng babala
Walang kasama
Ako'y wala ng kasama

Oh
Ako'y wala ng kasama

Wala na wala ng kasama
Wala na wala ng kasama
Wala na wala ng kasama
Wala na walang kasama



Credits
Writer(s): Bema Angela Catriz Tabaday
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link