Talahib

Kapag nalipol na
Sa langit
Ang mga anghel
O naburang parang ulap
Ang mga ibon

Ikakalat
Ng himpapawid
Ang kanilang mga bagwis
Sa mga tiwangwang
Na lupain

Magsisibulan sila
Sa paanan
Ng mga dawag
Tatayog sa pagitan
Ng mga baging

At banayad na
Iindayog sa hangin

Nga sutlang
Kumikinang

Nagbabalik-tanaw
Sa kaitaasan
Ginugunita ang dati nilang
Paglipad

Habang dito sa lupa
Walang dilang makatatanto

Sa lihim nilang
Tamis

Magsisibulan sila
Sa paanan
Ng mga dawag
Tatayog sa pagitan
Ng mga baging

At banayad na
Iindayog sa hangin

Mga sutlang
Kumikinang

Mga sutlang
Kumikinang

Sa hapon



Credits
Writer(s): Rem Tanauan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link