Paru-Paro (2022 Remastered Version)

Bawat patak ng ulan
Lumalabas ang iyong kagandahan
Ako ang mundo at ikaw ang Buwan
Sa malawak na kalawakan

At bakit kaya hindi maintindihan
Na ako'y nahuhulog na ng dahan-dahan

Ikaw ay munting paru-paro
Sa aking buhay ikaw ay dumayo
Bigyan mo na ng kulay
Ang malungkot na aking buhay

Mga punong nagsasayawan
Sariwa na para bang may kahulugan
Sa tuwing ika'y nasisilayan
Nangingibabaw ang iyong kagandahan

At bakit kaya hindi maintindihan
Na ako'y nahuhulog na ng dahan-dahan

Ikaw ay munting paru-paro
Sa aking buhay ikaw ay dumayo
Bigyan mo na ng kulay
Ang malungkot na aking buhay

Kailan kaya hihilom ang sugat sa puso mo
Maghihintay ako hanggang ako'y mapasayo
Di ko alam kung papasa pa ba ako sayo
Madami man sayo ang dumadayo

Ikaw ay munting paru-paro
Sa aking buhay ikaw ay dumayo
Bigyan mo na ng kulay
Ang malungkot na aking buhay

Ikaw ay munting paru-paro
Sa aking buhay ikaw ay dumayo
Bigyan mo na ng kulay
Ang malungkot na aking buhay



Credits
Writer(s): Allen Shaun-dee Sumait
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link