Pamamaalam

Sapat na ang lahat ng iyong nagawa
Tama na, 'di ka na dapat pang mangamba
Tahan na, at sa akin ay mag pahinga
Ika'y malaya nang maging masaya

Yayakapin ka ng mga tala
Taimtim kang sa akin mag tiwala

Humimbing ka at ikaý dadalhin
Sa lugar na hindi mo pansin
Ang sakit at 'di kakailanganing lumuha pa
Pumikit ka at ikaý dadalhin
Lilisanin ang lahat ng pait at hindi na
Kakailanganing lumuha pa

Yayakapin ka ng mga tala
Taimtim kang sa akin mag tiwala
Yayakapin ka ng mga tala
Taimtim kang sa akin mag tiwala

Sapat na ang lahat ng iyong nagawa
Paalam na, hanggang sa muling pagkikita



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link