Pinakapaboritong Pasko

Nasanay ang puso
Tuwing sasapit ang Pasko
Manlamig na lang
At magmanhid sa kilig
Luma ang bagong taon

Ngunit tila kakaiba
Ang dalang simoy ng hangin
Mula ng ika'y dumating
Nakangiti sa bawat gising
Parang bata muli

Heto na ang pinakapaboritong Pasko
Dahil nariyan ka
Mula ngayon
Hanggang bawat taon
Magdiriwang
Dahil kapiling kita
Hindi na mag-iisa
Tuwing Kapaskuhan

Dati 'pag Pasko
Para lang araw ng puso
Dinaraanan lang
Palilipasin ng tulog
Ngayon ay mulat na mulat

Heto na ang pinakapaboritong Pasko (paboritong Pasko)
Dahil nariyan ka
Mula ngayon
Hanggang bawat taon
Magdiriwang
Dahil kapiling kita
Hindi na mag-iisa
Tuwing Kapaskuhan

Gusto na muling mag-caroling
Magpapakita na sa mga pamangkin
Hindi na magtatago
Bitbit ang mga regalong handog (hey-ey)

Heto na ang pinakapaboritong Pasko
Dahil nariyan ka
Mula ngayon
Hanggang bawat taon
Magdiriwang
Dahil kapiling kita (dahil kapiling)
Hindi na mag-iisa
Tuwing Kapaskuhan

Heto na ang pinakapaboritong Pasko (pinakapaboritong Pasko)
Dahil nariyan ka
Mula ngayon (mula ngayon)
Hanggang bawat taon
Magdiriwang
Dahil kapiling kita
Hindi na mag-iisa
Tuwing Kapaskuhan
Tuwing Kapaskuhan
Tuwing Kapaskuhan



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link