M.M.I.

Kung lilisan ka lang din
Paano ko mababalik?
Ang ginhawa ng haplos mo
Saking Pisngi?

Ooh diba dati
Sinabi mo sakin
Hindi ka lalayo?

Ngunit heto ako magisa
Pinapatuloy ang pangarap natin
Nating dalawa

Kung Ika'y mawawala
Ayos lang basta't ikaw ay masaya
Unti unting magsisimula muli
Kakayanin mag isa

Ooh nagiiba ang ihip ng hangin
Ramdam kong lumalamig
Kahit hindi mo ito aminin
Ayoko namang magpanggap

Ooh diba dati
Tayo'y maligaya
Pinalitan na ng pait

Ayokong magisa
Pinapatuloy ang pangarap natin
Nating dalawa

Kung Ika'y mawawala
Ayos lang basta't ikaw ay masaya
Unti unting magsisimula muli
Kakayanin mag isa

Ooh nung mga panahong tayo ay hirap
Sabay pa nating hinaharap
Lahat ng pagsubok
Hindi ako sumuko
Lahat ng to'y kagustuhan ko
Ngunit bakit parang lumalayo
Tila'y tumatalikod
Lahat ay ginawa
Walang magagawa
Kung ikaw mismo, aayaw na

Kung Ika'y mawawala
Ayos lang basta't ikaw ay masaya
Unti unting magsisimula muli
Kakayaning mag isa
Subalit kung hahayaan kita
Di alam kung saan ako pupunta
Unti unting susubukang tanggapin
Mangangarap Mag Isa



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link