Dapitan

Disyembre na naman, Kailan tayo mag-iikot sa may Dapitan?
May gusto ka bang kulay O tema ng mga palamuti natin ngayong taon?

Dadalaw pa kaya mga inaanak natin at pinsan nila
Sina tito at tita, kung mangungumusta,
Anong sasabihin ko sa kanila?

Makakaya ko ba kung sa Noche Buena di ka na kasama?
Bakit pa may mga parol, ilaw, at musika?
Para san na ang regalo at sorpresa na laging alay ko sa 'yo?
Diba nila alam na ang yakap mo ang aking Pasko?

Sino nang gagawa ng iyong patok na luto ng menudo at lumpia?
Kung mangaroling sila, umawit ng Ariel at Gary V naku wala na

Parang ayoko na kung sa Noche Buena di ka na kasama
Bakit pa may mga parol, ilaw, at musika?
Para san na ang regalo at sorpresang alay sa 'yo?
Diba nila alam?
Diba nila alam?
Diba nila alam na ang yakap mo ang aking Pasko?



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link