Narahuyo

Binabalot ng lamig ang gabi ngayong nag-iisa
Hinahanap ang sagot sa tanong, kung dapat bang isulat pa?
Ang nobela sa'king puso, kung sa'n ako ang 'yong sinta
Ang alamat sa aking buhay, ibabaon na lamang ba?

Maaari bang maging paksa ng 'yong tula, sinta?
Sasabihin na ang tunay na nadarama ng pusong pinipili ka
Dadayuhin ang ulan
Isasayaw sa kawalan
Magtatapat sa'yong ako'y narahuyo

Napupuno ng tanong ang isip sa t'wing nag-iisa
Paano kung 'di ako ang iyong tipong klase ng nobela?
Susubukan bang basahin, mga titik ng hiraya?
Bibigyan ba ng pag-asa, sa mahika ng 'yong pluma?

Maaari bang maging paksa ng 'yong tula, sinta?
Sasabihin na ang tunay na nadarama ng pusong pinipili ka
Lilipad kahit saan
Aabutin natin ang buwan
Magtatapat sa'yong ako'y narahuyo

'Di makatulog sa gabi, sa kabibilang ng bituin
At tila ba ako'y nalulunod sa 'yong ngiti
'Di makatulog sa gabi, naka ngiti bawat saglit
Dahil ikaw lamang ang siyang tinatangi

Maaari bang maging paksa ng 'yong tula, sinta?
Sasabihin na ang tunay na nadarama ng pusong pinipili ka
Dadayuhin ang ulan
Isasayaw sa kawalan
Magtatapat sa'yong ako'y narahuyo
Lilipad kahit saan
Aabutin natin ang buwan
Magtatapat sa'yong ako'y narahuyo

Ako'y narahuyo
Ako'y narahuyo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link