Ngayong Gabi

Mga tala'y bumungad at saksi
Sa'king pag-ibig na dulog ngayong gabi
At saliw ang damdaming hindi mapalagay
Ngayong hawak na ang 'yong mga kamay

'Di na yata kaya pang lumisan
Sa'yong mga mata'y nahulog nang tuluyan

Samahan mo ako ngayong gabi
Dito ka lang sa'king tabi
Lulan ng tinig mong tinatangay ako
Palayo sa ingay ng mundo

Ang hele ng hanging malambing
Na yumayakap sa'ting mga pusong mistulang
Noo'y naliligaw, ngayo'y tanaw
Na ang bukas, ikaw ang lunas, sa lahat ng mga sugat

'Di na yata kaya pang pigilan
Sa pag-ibig mo'y handang malunod nang tuluyan

Samahan mo ako ngayong gabi
Dito ka lang sa'king tabi
Lulan ng tinig mong tinatangay ako
Palayo sa ingay ng mundo

'Di na yata kaya pang lumisan
Pangako kong hindi kita iiwan
Puso'y 'di na kaya pang pigilan
Sa pag-ibig mo'y handang lumaban nang patayan

Dito ka lang sa'king tabi
Mga luha'y kalimutan ngayong gabi
Ang kahapon iiwanan
Ikaw lang ang kailangan
Talikuran ang lahat para sa'yo
Palayo sa ingay ng mundo

Pangako na ako'y sa'yong sayo



Credits
Writer(s): Ram Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link