Ngayong Pasko

Ramdam na ang ginaw ng panahon
Nalabas na ang belen sa kahon
Sa bintana'y may parol at pati bubong
May dekorasyon

Ano kaya ang ating noche buena?
Di na baleng simple lang ang handa
Basta lang buong pamilya'y magkasama
Tiyak na masaya

Sana po ngayong Pasko, makasalo kayo
Tawa at ngiti bawat sandaling magkatabi tayo
Sana po ngayong Pasko, tularan ang Niño
Punuin natin ng pag-ibig ang mundo

Panahon na ng pagbibigayan
Gumawa ka na ba ng listahan?
Kamag-anak, kapitbahay, at kaibigan
Nasa isipan

Sana po ngayong Pasko, buksan din ang puso
Sa mga dukha, naulila, maysakit, at bilanggo
Sana po ngayong Pasko, tularan ang Niño
Punuin natin ng pag-ibig ang mundo

Papuri sa Diyos sa kaitaasan
At sa lupa'y kapayapaan!
(Oooh)

(Ngayong Pasko)
Sana po ngayong Pasko, magkaisa tayo
(Ngayong Pasko)
Mga hidwaan ay kalimutan, sikaping magkasundo
(Ngayong Pasko)
Sana po ngayong Pasko, tularan ang Niño
(Ngayong Pasko)
Punuin natin ng pag-ibig ang mundo

(Ngayong Pasko)
Punuin natin ng pag-ibig ang mundo



Credits
Writer(s): K Sheerin Go
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link