Gloria

Minsan sa isang taon lamang
Maririnig mga tinig ng nagdiriwang
Sa kagalakan: Ang Niñong sumilang
Naghari sa sambayanang
Umasa at nag-abang sa Kanya

Sa tinapay ay nagpupugay
Kasabay ng alak at galak
Ating sinasariwa ang diwa

Ng Kapaskuhang Kanyang pagsilang
Nang nabuhay ang kalangitan
Sa pagparito Niya ay natupad na
Ang pangako ng Ama

Nagising sa pagkakahimbing
Tupa't baka pati kambing
Ang mga pastol ay naghabol
Makita lamang ang Sanggol

Sa sabsabang Kanyang sinilangan
Doon, saan ay mapagmamasdan
Si Hesus ang Manunubos
Ang Anak ng Diyos
Kaya't magpuring lubos

May "Gloria" ang awit nila
At may "in Excelsis Deo" pa
Ang mga anghel ay naghatid
Ng balitang ating nabatid

Minsan sa isang taon lamang
Maririnig mga tinig ng nagdiriwang
Sa kagalakan: Ang Niñong sumilang
Naghari sa sambayanan

Papuri sa kaitaasan
Sa Kanyang kinalulugdan
Huwag na magtimpi
Magbunyi ng maluwalhati:
Gloria in Exclesis Deo!
Huwag na magtimpi
Magbunyi ng maluwalhati:
Gloria in Exclesis Deo!

Gloria!



Credits
Writer(s): Victor Cordero
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link