Tumatakbong Oras

Tumatakbong oras
Di mapigil ang panahon

Naghahabol tayo
Ano'ng plano?
Hanggang dito na lang ba tayo?

Ano na?
Nandiyan ka pa ba?

Tumatakbong oras
Di maibabalik ang panahon

Nandito na tayo
Ano'ng plano?
Ano ba talaga ang gusto mo?

Ano na?
Nandiyan ka pa ba?
Ano na?
Maghihintay pa ba?

Hawak mo ang ating kapalaran
Ang tanging hawak ko lang ay iyong kamay
Sabi ko di ako bibitaw
Unti-unting nawawalay

Tumatakbong oras
Baka bukas magbago na ang isip mo

Baka bukas



Credits
Writer(s): Anna Patricia Sarabia, Howard Keenan Luistro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link