ANG HULING EL BIMBO (ACE BANZUELO VERSION)

Kamukha mo si Paraluman
No'ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha

Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig-balahibo

Pagkagaling sa 'skuwela ay
Dederetso na sa inyo
At buong maghapon ay
Tinuturuan mo ako

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

Naninigas ang aking katawan
'Pag umikot na'ng plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng 'yong mga mata

Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso

Sana noon pa man ay
Sinabi na sa iyo (sa iyo)
Kahit hindi na uso ay
Ito lang ang alam ko

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa

Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi'y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita

Lahat ng pangarap ko'y
Bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay



Credits
Writer(s): Ely Eleandre Buendia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link