Rosas

Sa gabing may ilaw at ikaw ang katabi
Sabay nating damahin ang nais mangyari
Minsan lang
Sana'y mangyari, sana'y mangyari
Ikaw ang rosas na ako lang ang may-ari

Parang ayaw nang bumalik sa tahanan
Ang gusto ko'y dito kalang
Sulitin ang isang araw
Na pag-iibigan
Kung tayo'y di magkalayo
Ay madidiligan ang nanunuyong panyo

Kung sana ay narito ka
Upang mayakap mo ako
Kung sana ay narito ka
Lahat ng sana'y nabuo
May kalakip ang hirap
Di mo man mayakap
Ikaw pa rin ang rosas ko

Pag gabi'y iniisip kung kailan ka darating
Sinong sasalo ng yakap ko, ikaw lang rin
Naghihintay
Sana'y mawari, sana'y mangyari
Mga bagay na o kay tagal nang ninanais

Parang ayaw nang bumalik sa tahanan
Ang gusto ko'y dito ka lang
Sulitin ang isang araw
Na pag-iibigan
Kung tayo'y di magkalayo
Ay madidiligan ang nanunuyong panyo

Kung sana ay narito ka
Upang mayakap mo ako
Kung sana ay narito ka
Lahat ng sana'y nabuo
May kalakip ang hirap
Di mo man mayakap
Ikaw pa rin ang rosas ko

Kailan kaya tayo magtatagpo?

Kung sana ay narito ka
Upang mayakap mo ako
Kung sana ay narito ka
Lahat ng sana'y nabuo

Kung sana ay narito ka
Upang mayakap mo ako
Kung sana ay narito ka
Lahat ng sana'y nabuo

May kalakip ang hirap
Di mo man mayakap
Ikaw pa rin ang rosas ko



Credits
Writer(s): Baet Alcantara
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link