Wag ng Lalayo Pa

Nang una kang makita alam ko na ikaw na nga
Kahit na sa litrato lang puso koy nabihag na

O kahit na malayo ka
Pag ibig mo'y damang dama
Ang dati na walang sigla
Ngayo'y puno na ng saya

Ngayong kasama ka ako'y kumpleto na
Dito ka lang sabay natin haharapin ang mundo
Huwag kang aalis maglilibang tayo
Ngayong nandito ka wag ng lalayo pa

Oh kay sarap ng mga yakap na kaytagal ng hinintay
At ang mga halik na dati lang ay pangarap
Ngayo'y damang damang dama ko na

Pangako ko sa Maykapal
Hinding hindi ka iiwan
Sinta laging tatandaan ang puso ko'y sayo lamang

Ngayong kasama ka ako'y kumpleto na
Dito ka lang sabay nating haharapin ang mundo
Huwag kang aalis maglilibang tayo
Ngayong nandito ka

Dalangin ko wala na sanang katapusan ang pagsinta
Sinta ngayong nandito na, wag kang lalayo pa

Ngayong kasama ka ako'y kumpleto na
Dito ka lang sabay nating haharapin ang mundo
Huwag kang aalis maglilibang tayo
Ngayong nandito ka

Dito ka lang sa aking tabi
Dito ka lang wag aalis
Dito ka lang sa aking tabi

Ngayong nandito na hindi na lalayo pa



Credits
Writer(s): Charles Edelo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link