Halaga (Unplugged)

Hmm yeah
Ta-ra-ra, ta-da-da, na-na
Hmm, yeah

Oh, ilang kanta pa ang kailangan awitin
Para maniwala ka, hindi ko nais mag-alay
Ng walang katuturan? Walang pupuntahan

Huwag kang titingin pa sa iba
Ako na lang ang 'yong titigan at mahiga sa gitna ng ulan
Ipapakita sa iyo ang aking mahika, huwag nang mag-alala

Dahil ika'y isasayaw rin, sa ulap man o sa ilalim ng buwan
At kahit saan, isisigaw ko ang 'yong pangalan
'Di na masasaktan

Oh, ilang luha pa ang kailangan na pumatak
Para maisip mo ang 'yong halaga
Na hindi nakikita ng iba? Kita naman kita

Nais ko lang malaman mong 'di kailangang magduda
Sa 'yong sarili, sa oras na ika'y nababalisa
Aking ipapaalala, ika'y mahalaga

Dahil ika'y isasayaw rin, sa ulap man o sa ilalim ng buwan
At kahit saan, isisigaw ko ang 'yong pangalan
'Di na masasaktan

Huwag nang mag-alala, hmm
Huwag nang mag-alala, ika'y mahalaga, ooh

Dahil ika'y aking mamahalin, araw-araw ay pipiliin kita
At kahit kailan, 'di magbabago ang nararamdaman
Hanggang walang hanggan, oh

Ika'y mahalaga

At kahit saan, isisigaw ko ang 'yong pangalan
'Di na masasaktan

Huwag kang mag-alala (huwag kang mag-alala), ika'y mahalaga
Huwag nang mag-alala, hmm
Huwag nang mag-alala, ika'y mahalaga
Huwag nang mag-alala, hmm



Credits
Writer(s): Ralph William Galang, Reinald Jerome Delos Santos Pineda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link