tila talo

Di naman ako yung tipong
Nag-aalangan sa kakayahang
Makipagtaguan
Ng nararamdaman

Nais mo bang makakita ng milagro?
Dahil ang totoo
Ngayon lang naman ako nagkaganito

Di na yata maganda 'to
Napapangiti na ako
Mag-isang sumasayaw sa ritmo
Ng pagbigkas mo ng bawat
Pantig ng pangalan ko
Napapangiti na ako
Makikinig pa ba sa musika o sa lohiko?

Sabi ng iba'y "huwag magpadala"
Ngunit kapag nagtatama na'ting mga mata
Nawawala angas ko
Sa mga titig mo

Sabi ng iba ay "mag-ingat ka"
Pangalan mo'y alam ng buong madla
Nauulol na ako
Tila talo ako sa larong 'to

Bakit ba dumarami ang mga matang
Nakatitig sa'ting dalawa
Oh pasensya na
Ganyan talaga

Kung gusto mo nga talaga ako
Dapat lang na sanayin mo
Bakit ba tila ako ay 'yong tinatago?

Di na yata maganda 'to
May kutob akong
Di alam kung pahiwatig o laro lang nitong isip kong
Mapaglinlang, nalilito
Napapangiti na ako
Makikinig pa ba sa musika o sa lohiko?

Sabi ng iba'y "huwag magpadala"
Ngunit kapag nagtatama na'ting mga mata
Nawawala angas ko
Sa mga titig mo

Sabi ng iba ay "mag-ingat ka"
Pangalan mo'y alam ng buong madla
Nauulol na ako
Tila talo ako sa larong 'to



Credits
Writer(s): Mariah Deborah Cabatbat
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link