Hindi Ko Kailangan

Hindi naman sa tinataboy ka
Pero ngayon pa lang sinasabi ko na
Hindi ko kailangan ng
Isa pang lilisan

Ayoko'ng nagkakaganito ako
Nagsisimula nang mahulog sa'yo
Sana'y maintindihan
Kung sa'n galing ang takot

Siguro nga'y nalimot ko na
Paano nga ba'ng hindi mag isa?
Ipaalala mang 'di tulad ng iba
Napagod lang din mag-tiwala

Gaano katagal bago ka mawala?
Sabihin mo na sa akin
Ngayon pa lang ako ay lalayo na
Kung nagdadalawang isip ka

Ano ba tong nadarama ko
tila mas masaya nang dahil sayo,
Pero kailangang pigilan
Kung sakaling biglang maglaho

Napaniwala ang sarili na
ako'y dapat lang na magisa
Ngunit sa pagdating mo,
nakikiusap ang puso

Sa dinamirami ng umalis
Totoo ka bang mananatili
Ikaw na ba ang panalangin?
Oras na bang maniwalang muli?

Gaano katagal bago ka mawala?
Sabihin mo na sa 'kin
Ngayon pa lang ako ay maghahanda
Kung nagdadalawang isip

Gustong subukan pero nag-aalinlangan
Hindi ko kailangan kung aalis ka lang
Gustong subukan pero nag-aalinlangan
Hindi ko kailangan kung aalis ka lang
Sana naiintindihan kung san galing ang takot
Kaya mo bang mag-hintay?
Kailangan lang ng panahon
Kung kaya mong mag hintay
Dito ka lang sa piling ko
Sana kaya mong maghintay
Ayaw na ring mawalay
Dito ka lang sa tabi ko



Credits
Writer(s): Louise Jane Bonggo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link