Pangako

Sa 'yong mga mata'y nasilayan
Tunay na pag-ibig sa 'yo'y naramdaman
Sakit ng nakaraa'y agad mo ngang pinawi
'Wag kang matakot sa ulan 'pagkat darating ang bahaghari
Sa akin ay kumapit ka
Pangakong 'di na muling lilisan pa

Sa 'yong mga labi'y nasilayan
Ngiti mong kay tamis, kay sarap pagmasdan
Lungkot sa aking mga mata'y inibsan
'Wag kang matakot sa ulan, 'pagkat darating ang umaga
Sa akin ay kumapit ka
Pangakong 'di na muling lilisan pa

Sabay tayong maglalakbay
Kumapit ka sa 'king kamay
Hindi ka na mag-iisa, pangako

Sabay nating aabutin
Mga ulap at mga bituin
'Wag kang matakot sa dilim
Nandito lang ako

Sabay tayong maglalakbay
Kumapit ka sa 'king kamay
Hindi ka na mag-iisa, pangako

Sabay nating aabutin
Mga ulap at mga bituin
'Wag kang matakot sa dilim
Nandito lang ako

Pangako
Pangako
Pangako
Pangako



Credits
Writer(s): Carl Laurence Miranda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link