Babangon

Kailan ka pa ba naliligaw sa madilim?
Mga tala na parang 'di numiningning na para sa atin
'Di man marinig nila hiling mong lihim sa hangin
Tahan na, darating rin ang umaga paglipas ng gabi

Hindi mo man ito gusto
Na mapasama sa gulo
Baliktarin ang iyong mundo
'Di ko papayagang makubli o matapakan man muli
Ang iyong damdamin

Bumangon ka, huwag mag-alala
Darating rin ang umaga na iyong inaasam
Mula sa pagkadarapa
Sa sugat at pasa
'Di ka nag-iisa
Kaya kapit-kamay nating lisanin ang kahapon
Tayo ay babangon
Lisanin ang kahapon
Tayo ay babangon

Hindi mo man mahihilom
Ang mga galos at lunos
Na hinatid ng kahapon
Sama-sama nating angkinin
Ang nararapat sa atin
Ang iyong hangarin

Bumangon ka, huwag mag-alala
Darating rin ang umaga na iyong inaasam
Mula sa pagkadarapa
Sa sugat at pasa
'Di ka nag-iisa
Kaya kapit-kamay nating lisanin ang kahapon
Tayo ay babangon
Lisanin ang kahapon
Tayo ay babangon

Tayo ay babangon (tayo ay babangon)
Tayo ay babangon (tayo ay babangon)
Tayo ay babangon



Credits
Writer(s): Yosef Eduardo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link