Tadhana

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong nito

Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding-hindi ko ipararanas sa'yo?
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pagsinta!

Ba't di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang?
Tayong umaasang hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo

Saan nga ba patungo
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo

Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin?
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?
Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa'yo

Woah!
Haahh woah
Haahh ooh woah
Haah haah



Credits
Writer(s): Up Dharma Down
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link