Pang-gabi

Paikot-ikot tayo
Ako'y litong-lito sa 'yo
Paulit-ulit lang
Paulit-ulit lang
Ito ka na naman

Kuya
Paki-paliwanag sana
Pero pwede bang ikaw ang magsimula
Kasi 'di ko alam kung pwede bang magsalita

Minsan
Kakaiba ang 'yong pinapakita
Kahapon lang walang humpay
Ang 'yong paglapit-lapit
Ngayon naman ay 'di ka mahagip

Minsan gusto mo 'ko
Minsan ayaw
Minsan nandyan
Minsan ay wala lang
'Di naman ako magrereklamo
Kung aamin ka na't aalis

Paikot-ikot tayo
Paulit-ulit lang naman ito
Kaya nga 'ko lumalayo
Ngunit kinabukasan
Ay nandyan ka na naman

Alam mong bibigay ako
Kaya hindi ito natatapos
Natutunaw pagdating sa 'yo
Agad-agad akong umo-oo

Hanep
Ilang araw na naman ang lumipas
Kung bumalik ay parang 'di siya biglang nawala
Alam niya kaya kung ano'ng ginagawa niya

Minsan gusto mo 'ko
Minsan ayaw
Minsan nandyan
Minsan ay wala lang
'Di naman ako magrereklamo
Please mauna ka nang umalis

Paikot-ikot tayo
Paulit-ulit lang naman ito
Kaya nga 'ko lumalayo
(Kaya nga 'ko lumalayo)
Ngunit kinabukasan
Ay nandyan ka na naman

Alam mong bibigay ako
Kaya hindi ito natatapos
Natutunaw pagdating sa 'yo
(Natutunaw pagdating sa 'yo)
Agad-agad akong umo-oo

Ano ba naman ito
Umasa na walang laro-laro
Ngunit heto akong lasing at bigo
Hindi ka matanggal-tanggal sa isip ko

Matagal-tagal na paghihilom ito...



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link