Hindi Pala, Wala Pala

Wala palang tula ang tutugma sa'ting dalawa
Pilit mang isulat, mauubos lamang ang tinta
Sa piling mo, aking puso'y umabot sa kalawakan
'Di alintana kung ako ay mahulog na sa kawalan

Pinaniwalaan na bughaw ang langit at may bahaghari
Tila ba'y nalunod sa mga winika mong 'di mawari
Sabihin mong laro ang tayo at ikaw ang panalo
Aahon na ba ang pusong natalo nung hindi sinalo?

Sana'y hindi na tinugon ang kundiman
Kung 'di naman handang ako'y hagkan

Akala ko p'wedeng humiling kay Bathala
Na ako ang siyang naisin mong ibigin
Akala ko mayro'ng nilaang kabanata
Sa kuwento nating pinilit lang tapusin
Ngunit hindi pala, wala pala

Hindi makabitaw sa pagsulat gamit ang lumang pluma
Tanglaw ang mahika ng kuwadernong saksi sa'king nadarama
Lisanin na ang mundong nagmula lang sa kathang-isip
Gigising na ba sa'ting kuwentong likha ng aking panaginip?

Sana'y hindi na tinugon ang kundiman
Kung 'di naman handang ako'y hagkan

Akala ko p'wedeng humiling kay Bathala
Na ako ang siyang naisin mong ibigin
Akala ko mayro'ng nilaang kabanata
Sa kuwento nating pinilit lang tapusin
Ngunit hindi pala, wala pala

Hindi itatago, naiwan sa istoryang 'to
Lahat ng awiting nilaan sa iyo
Kahit anong gawin, tanong ay "bakit?" pa rin
"Bakit ba ako ang 'yong napiling gano'nin?"

Akala ko p'wedeng humiling kay Bathala
Na ako ang siyang naisin mong ibigin
Akala ko mayro'ng nilaang kabanata
Sa kuwento nating pinilit lang tapusin
Ngunit hindi pala, wala pala
Dahil hindi pala, wala pala talaga



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link