Aking Pahinga

Alas dose ng umaga
Patago na tumatawa
Tulog na ang mga bata
Wala nang tao dun sa sala

Trabaho na nakakahilo
Araw araw naiipon
Sarili di na maasikaso
Kasiyaha'y naglalaho

Ngunit andito ka na
Kaya wala nang iba
Gusto ay ikaw lang
Makausap magdamag

Oh aking pahinga
Ika'y ubod ng ganda
Pagtingin sa iyo'y gumagaan ang lahat
Ng sakit ng loob at mga panghihina

Oh aking pahinga
Sana'y dito ka nalang
Akala ko'y panaginip pero andito ka na
Samahan mo ako sa susunod na pahina

Oh aking pahinga
Oh aking pahinga
Oh aking pahinga

Ilang minutong nalalagas sa ating mga oras
Sa mga araw na hindi nakakasuyo ng malapitan
Trabaho na nakakahilo
Hindi ka na maasikaso
Ngunit pagmamahal mo at pagaalala ko
Walang katulad dito sa mundo

Ngunit andito ka na
Kaya wala nang iba
Gusto ay ikaw lang
Makasama magdamag

Oh aking pahinga
Ika'y ubod ng ganda
Pagtingin sa iyo'y gumagaan ang lahat
Ng sakit ng loob at mga panghihina

Oh aking pahinga
Alam kong dito ka nalang
Akala ko'y panaginip pero andito ka na
Samahan mo ako sa susunod na pahina

Ngunit andito ka na
Kaya wala nang iba
Gusto ay ikaw lang
Makasama magdamag
Ngunit andito ka na
Kaya wala nang iba
Gusto ay ikaw lang
Makausap magdamag
Kaya dito ka lang, wag ka nang umalis pa

Oh aking pahinga
Ika'y ubod ng ganda
Pagtingin sa iyo'y gumagaan ang lahat
Ng sakit ng loob at mga panghihina

Oh aking pahinga
Alam kong dito ka nalang
Akala ko'y panaginip pero andito ka na
Samahan mo ako sa susunod na pahina

Ikaw ang aking pahinga



Credits
Writer(s): Amir Yanes, Chevy Amir Scott Yanes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link