Kanlungan

Pana-panahon ng pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Natatandaan mo pa ba
No'ng tayong dal'wa'y unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay mong gumamela?
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

Pana-panahon ng pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Ngayong ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang 'yong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?

Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?

Pana-panahon ng pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?

Pana-panahon ng pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?



Credits
Writer(s): Romeo Dongeto
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link