guho

Dito ka lang sa yakap kong
Kanlungan ng 'yong pagmamahal
Ikaw ay sapat, halika't ipahinga
Ang pusong pagod masaktan

Ako ang libro na nagbunga
Sa 'yong pag-aaruga
Ang kuwentong ito ay panghabang-buhay
Nakalaan na

'Wag kang matakot
Dahil itong kabuuhan ko ay para sa 'yo
Ikaw ang gustong makasama
Kapag gumuho na ang mundo

Bawat araw, bawat sandali
Nananabik at ikaw ang sanhi
Bawat hangad, bawat puntahin
Ang mapa ay umaakay sa 'yo pa rin

Ang buwan, sinangguni sa 'yo
Sa kinang hanggang sa alindog
Kung 'di ka handa magbukas ng pinto
Uukit ng susing lalaya sa 'yo

'Wag kang matakot
Dahil itong kabuuhan ko ay para sa 'yo
Ikaw ang gustong makasama
Kapag gumuho na ang mundo

'Wag kang matakot
Dahil itong kabuuhan ko'y para sa 'yo
Ikaw ang gustong makasama
Kapag gumuho na ang mundo

(Pa'no ba magmahal?) 'Wag kang matakot
(Pa'no ba magmahal?) Sabay lang sa agos
(Pa'no ba magmahal?) Hayaan ang puso
(Pa'no ba magmahal?) Tapusin ang kuwento



Credits
Writer(s): Dominic F. Guyot
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link