Una at Huli

Bigla akong napasayaw
Nung ang kasama ko'y naging ikaw
Nahanap ang tyempo kahit di sigurado
Nung una
Ginalingan masyado yata ng tadhana
Lahat ng angas ko'y nawala
Lahat ng bakod ko'y gumuho na
Ang tanging dasal ko lang naman ay handa ulit akong masaktan
Sabay pagmamahal ang binigay
Ikaw na sana ang una at huli
Ang tanging bibighani
Ang tanging magwawagi
Anim na buwan, mapagkailan
Wala nang iwanan
Sisikapin, Ibibigay sa iyo
Ang lahat ng pagmamahal ko
Simula ng bawat lunes hanggang linggo
Hindi maipinta
Nakakabihag ang iyong mga mata
Di na lang bughaw ang nakikita (nakikita)
Ipinagdiriwang ng langit na puno ng bahaghari
Ang kasiyahan, kalayaan na hanap nung naging tayo na
Ikaw na sana ang una at huli
Ang tanging bibighani
Ang tanging magwawagi
Anim na buwan, mapagkailan
Wala nang iwanan
Sisikapin, Ibibigay sa iyo
Ang lahat ng pagmamahal ko
Simula ng bawat lunes hanggang linggo

Bihira na nga lang dumating ang ganto
Tatakbo pa ba ako
Ang tanging bibighani
Ang tanging magwawagi
Ikaw na lang
At ako



Credits
Writer(s): Camille Paguirigan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link