Kahit Kailan (feat. Gat Ali, Max Orion & Life Viktourya)
Kahit na, matapos ang kahit kailan
Ako ay laging nandyan
Ang minsang pinangarap mahawakan ang kamay
Hiniling na makausap kahit di makaakbay
At kasamang maglakad kapag hirap makasakay
Ay ang akin nang karamay sa mga paglalakbay
Mahaba man ang biyahe, nalilito sa kalye
Mapagod man ay ayos lang saglit na gumarahe
Kahit anong mangyari, panatag at kampante
'Pagkat tayo ang nagkatabi sa'ting naging karwahe
Ang ating pag-abante ay minsan haharangin
Ngunit baku-bakong daan ay ating tatahakin
Ilang dalampasigan man ang madaanan natin
Ikaw pa rin ang nais masilayan na tanawin
Sa tuwing umuulan ikaw ang aking bahaghari
Kasiguraduhan sa 'king mga baka sakali
Ikaw rin ang siyang lilim sa pagsapit ng tanghali
Kaya hangga't maaari sasamahan ka parati
At kahit matirikan sa makitid na lansangan
Lagi mong maaasahang pang-unawa'y lalawakan
Ito rin ang katiyakang iyong mapanghahawakan
Sa gitna ng alinlangan, pagdududa't agam-agam
Sumakit man ating tuhod at mga kasukasuan
Ikaw pa rin aking takbuhan at nag-iisang kanlungan
Ang aking kakwentuhan sa ligaya't kalungkutan
Kakulitan sa bakuran at kasalo sa hapunan
Kahit na, matapos ang kahit kailan
At kahit pa, magbago ang guhit ng tadhana
Ay ikaw ang laman ng puso't isipan
Kahit pa maglaho ang araw at buwan, ikaw ay laging nandyan
Di makaiwas sa paglipas at bilis ng panahon
Mananatili saking isip, puso't diwa pag-ibig mong
Pinaka dalisay kahit minsa'y nalihis landas noon
Nating dalawa'y pinaghintay masulit lang ang tamis ngayon
Ng ating pagmamahalan na laging panghahawakan
Handa rin akong dugtungan ang dulo ng walang hangganan
Kung kinakailangan aking lalabanan
Lahat ng magtatangkang haharang sa daanan natin papuntang
Kaligayahan o kaginhawahan, nabiyayaan at di nasayang
Lahat ng pagsubok ay napagtagumpayan
Kaya dapat mong malaman ikaw lang ang laman
Ng aking puso't isipan
Kahit kailan, kahit saan
Maasahan mong hinding hindi ka ipagpapalit kahit kanino man

Kahit pa maglaho ang araw at buwan, ako ay laging nandyan

Credits
Writer(s): Harmon Monsalve Literal
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.