WRU?

Kahapon nag daan di ko na mabalikan
Paano matatama kung di ka mapalitan
Gusto ka mahalikan kahit di mo na dama
Para sakin ayos lang di nako nag hahangad

Na akoy magustuhan kasi alam mo naman
Ikaw walang iba yan ang dapat tandaan
Kapit para gumaan ang mga pasan pasan
Kahit pa na hadlangan sige sakin sumandal

Kahit pa na magdamag
Kahit pa na magbabad
Gusto ko na sa lilim ayoko na mabilad
Nais ka na masipat kahit na isang saglit
Dami nakapaligid hindi ka ipagpapalit

Isang tawag at nandito lang ako
Sa kahapon yoko na mabilanggo
Nais ko lang naman tayo lumago
Kaya pakiusap wag na lumayo

Isa kang bitwin na hindi ko maabot
Ilang alak na rin aking naitaob
Nakakapagod na rin na maging takot
Daming katanungan na hindi masagot

Kung di para sakin nako wag nalang
Mahirap itago nararamdaman
Binuga sa ere pinakawalan
Sa mga problema ay kinalagan

Bakit walang makapa
Ilang ulit nadapa pero di nadadala
Ngayon nasan ka na ba
Ngayon nasan ka na ba

Bakit walang makapa
Ilang ulit nadapa pero di nadadala
Ngayon nasan ka na ba
Ngayon nasan ka na ba

Bakit walang makapa
Ilang ulit nadapa pero di nadadala
Ngayon nasan ka na ba
Ngayon nasan ka na ba

Bakit walang makapa
Ilang ulit nadapa pero di nadadala
Ngayon nasan ka na ba
Ngayon nasan ka na ba

Abot hanggang panaginip
Naglalaro saking isip
Lagi nalang pinipilit
Sana ikaw ang kapiling

Sa pagtanda kahit ugod ugod
Pumuti man ating mga buhok
Asan ka man laging nakasunod
Mga karanasan ang tumutuldok

Ikaw pa rin pinipili
Kahit sa huli mag sisi
Dugtungan muli ang pisi
Buhay gawing nating easy

No no no noooo
Pwedeng dito ka nalang wag ka na umalis
Para sakin ikaw lang talaga ang da best
Pangalan mo ang sinisigaw ng aking chest
Ye yeahhhh

Pagtingin di na mabubura
Sa pagkakamali natuto na
Ibang babae di na uubra
Sa kagandahan ay natulala

Pagtingin di na mabubura
Sa pagkakamali natuto na
Ibang babae di na uubra

Bakit walang makapa
Ilang ulit nadapa pero di nadadala
Ngayon nasan ka na ba
Ngayon nasan ka na ba

Bakit walang makapa
Ilang ulit nadapa pero di nadadala
Ngayon nasan ka na ba
Ngayon nasan ka na ba

Bakit walang makapa
Ilang ulit nadapa pero di nadadala
Ngayon nasan ka na ba
Ngayon nasan ka na ba

Bakit walang makapa
Ilang ulit nadapa pero di nadadala
Ngayon nasan ka na ba
Ngayon nasan ka na ba



Credits
Writer(s): Louie Makabenta
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link