Awit ng Mendiola

Mabuhay ay langit sa sariling bayan
Kung ang sambayanan ay may Kalayaan
Umaga ay tula ng kaligayahan
At ang dapithapo'y awit kung pakinggan

Inang bayan, bakit may piring ang mata
May busal ang bibig may takip ang tainga
May gapos ang kamay ng lumang kadena
Hanap ay paglaya sa daang Mendiola

Taas ang kamao tanda ng paglaban
Daan-libong anak pagtutol ang sigaw
Putok ng armalayt, sagot ng kaaway
Ang akala yata'y uurong ang bayan

Nagliliwayway na't mapula ang langit
Ang bayang inapi ngayo'y nakatindig
Pakikibaka ay lalong sumigasig
Sa daang Mendiola, tagumpay ang awit

Nagliliwayway na't mapula ang langit
Ang bayang inapi ngayo'y nakatindig
Pakikibaka ay lalong sumigasig
Sa daang Mendiola, tagumpay ang awit



Credits
Writer(s): Bienvenido Lumbera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link