Kaya Mo Yan

Para to sa lahat men

Sa lahat ng may pinagdadaanan
At lumalaban mag isa

Kaya mo yan, men
Kaya mo yan. ey! ey! yow!

Kaya mo yan
Kaya mo yan
I mean, kaya mo yan

Tapos ka ng mabaon, tapos ng matumba
Tapos na rin ang taon ng 'yong babang luksa
Tapos ka ng masiraan ngayon umayos ka
Humayo, tumayo, sa'yong kabaong ay bumangon na

Di ito resureksyon, mula sa hukay
Ito'y reinkarnasyon, at ang patunay
Ay ikaw, na naligaw, dala ng lumbay
Dahil sayo, nalaman naming may pangalawang buhay

'Pagkat malagay ka sa kalagayang di ka na mapalagay?
Katumbas na ng isang namatay
Balikat na mayrong pasan daming nakadantay
Subalit pag-ngalay ka na'y wala man lang umaakbay

Naisulat ko 'to para sabihin na
Alam ko ang buhay na parang wala ka ng hininga
Nawa'y maunawaan mong di ka nag-iisa't
Maintindihan mo sanang naiintindihan kita

Naiintindihan kita
Naiintindihan kita
Naiintindihan kita

Sayong pangarap, daming magmamagaling
Walang ginagawang tuturo sayo ang dapat gawin
Bulag-bulagan na nagagawa ka pang matahin
Ang masakit, mahal mo pa sa buhay ang salarin

Habang ikaw, nagpapakahirap sa kada gabi
Sila nag-aantay, nagmamadali
Sa kabutihan mong nagawa ay walang may paki
Ta's napakasama mo pag may nagawa kang mali

Pangungunahan ka nila sayong balak na maging
Pati angking galing mo babalakin na ma-angkin
Papayuhan ka na parang tito sa pamangkin
Wag kang maniwala, "tandaang ikaw mismo ang King"

Kulang lang yan sa atensyon kaya nagpapapansin
Wag kang magpapa-unggoy sa mga tuso na matsing
Kaya nilang paliwanag, "ba't daw nandyan ka pa rin?"
Kahit sila yung nasa dilim at walang narating

Mga walang narating
Mga walang narating
Mga walang narating

Mga walang narating
Mga walang narating
Mga walang narating

Mga walang narating
Walang narating
Walang narating

Panahon ko ay darating, "alam ko"
Gawin ko lang dapat gawin, "alam ko"
Sa tumalikod di para mag-tampo
Haharapin ko lahat mag-isa 'to

Panahon ko ay darating, "alam ko"
Oras na lang bibilangin, "alam ko"
Sa nakalimot, di para magtampo
Haharapin ko lahat mag-isa 'to



Credits
Writer(s): Harlem Abayon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link