Sagad

Dito sa Pilipinas kailangan maging matatag matikas
Huwag kang magpapalipas
Dapat lagi pakaripas ang galaw
Di ka dapat pumarehas
Iba ang suot natin na tsinelas
Kailangan araw-araw umararo ako'y balat kalabaw
Kaya sa initan malabo na mapilas, mas
Ako'y ginanahan habang yun iba ay mga tinamad
Ako kasi yung tao na kapag pinawisan sa galawan
Ang akala mo walang kapaguran
Walang dahilan para ako ay tumigil na lakaran
At pasukin ang napili ko na mundo
Sigurado na maraming magugulat
Dahil sa pagtiyatiyaga kong matagal
Ay darating ang panahon lahat makakamit ko at
Bawal ang mapagod
Kailangan na kumayod
Sige sugod lang nang sugod
Kahit umulan ano man ang mga dagok
Na sa akin ay bumatok
Dinaan ko lang sa kamot
Di ako nagalit at hindi nagpaapekto
Dahil lahat ng iyon ay ginawa kong motivation
Napakadami ko pang gusto at hangarin
Na ibinulong ko lang sa hangin
Baliwala kasi kahit pasigaw sabihin
Kung bingi ang mga tainga ay baliwala rin
Kung wala kang tinanim wala ring aanihin
Yan ang dapat lagi mo na iisipin
Kalagan ang katamaran
Hanapin ang kapalaran para sa kapakanan
Pamilya mapakain mo

Sagad kung sagad
Kahit na maubos
Walang matira
Dito sa aking lakas
Di ako susuko
Kahit na mahirap
Dahil para sa pamilya
Kakayanin ko

Kailangan mong tibayan ang sarili mo
Kung gusto mong makuha mga gusto mo
Huwag kang mangarap kung wala kang gagawin
Kung meron man, ituloy mo
Kasi kung hindi edi sayang din
Madami ding katulad na kagaya mo
Walang tigil sa pagbanat ng mga buto
Na inalay mga pawis kahit na dugo
Para lamang sa pamilyang kanyang binuo
Hindi madali pero kailangan mong gawin
Unahan and tadhana para lang hindi ka mahuli
Kung matalo man sa una subukan ulit
Takasan kahirapan bago ka pa masawi
Isang paalala, bawal ang manghina
Kahit na matengga
Madami mga bida
Kasama mo sa pila
Kailangan kumarera
Kalawangin man kadena
Madami ang nakaabang sayo na magkamali
Ang mga matang sa mali lang malinaw
Pero kahit anong hila
Di nyo kaya ang halimaw na puso ko
Kahit na mahirap di apektado
Sanay na 'to kumayod di katulad nyo
Sanay din ako humawak pala at maso
Di ko balak magpasikat lang iho
Gusto ko lang na ipamukha mismo na
Di ko inugali na sumuko nang biglaan
Dahil di ko titigilan hangga't
Di ko nakukuha mga gusto ko

Sagad kung sagad
Kahit na maubos
Walang matira
Dito sa aking lakas
Di ako susuko
Kahit na mahirap
Dahil para sa pamilya
Kakayanin ko
Sagad kung sagad
Kahit na maubos
Walang matira
Dito sa aking lakas
Di ako susuko
Kahit na mahirap
Dahil para sa pamilya
Kakayanin ko

Sagad kung sagad
Sa initan man palaging babad
Dahil kailangan sa munting lamesa
Ay kahit papano may mailapag
Sa may lapag, tagos ang lamig
Kaya madalas ay nanginginig
Bukod sa gutom at uhaw kasama na dito
Ang sobrang nipis na banig
Alam kong bitin
Kahit tumalon ay di pa kayang abutin
Kaya madalas tinatanong ko ang sarili
Sa harap ng salamin
Ano ba dapat kong gawin
Di ko rin kayang sagutin ng
Tama o mali, una at huli man
Ay aking binuhat
Simula nung buhat
Mata ay namulat
Sa mundong hindi puro sarap
Meron din hirap
Di ko na kailangan ng makina't gasolina
Malayo man ang lakbayin
Tiwala't panalangin lamang dala ko na baon
Nasa daan ang pagkain
Masalubong lalapain ko
Kahit anong beast, oo
Kahit di ko na talupan to
Di ako maselan sa pagkain
Kahit di ko na lutuin
Uubusin kahit parang kanibal na animal na ko
Isang kahig at isang tuka
Sa mundong pakapalan na ng mukha at oo
Maraming natutuwa kapag walang napala
O kaya nakapa sa baba
Sa may taas tanging dalangin ko sa Ama Namin
Sana ay kayanin kahit gaano man kalalim
Lulusungin basta sa pagmamahal ako'y lunurin mo

Sagad kung sagad
Kahit na maubos
Walang matira
Dito sa aking lakas
Di ako susuko
Kahit na mahirap
Dahil para sa pamilya
Kakayanin ko
Sagad kung sagad
Kahit na maubos
Walang matira
Dito sa aking lakas
Di ako susuko
Kahit na mahirap
Dahil para sa pamilya
Kakayanin ko



Credits
Writer(s): Joseph Magbitang
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link