Ligaw Na Bala

Palakad-lakad lang ako no'ng ito'y naramdaman
Sakit sa dibdib ko, 'di ko alam kung ba't nasaktan
Tapos nakita kita, nakatayo mag-isa
Pagsinta'y sobrang ganda, 'di makapaniwala

Hindi ko napansin na tuluyang dumugo
Ang puso kong may butas no'ng nakatingin ako sa 'yo
Ngayon ko lang nalaman na ito'y dahil sa 'yo
Nalaman kong

Ikaw ang ligaw na bala na tumama sa puso ko
Ikulong mo sabi, kung ito'y totoo
Diretso lang ang byahe, 'wag ka nang lumiko
At tumingin sa iba, kasi nandito ako

Ako'y nalilito, ba't ako 'yong minahal mo?
Pasensiya na kung 'di kita maiibig nang todo
Tao lang naman ako, dinggin mo 'tong pangako
Hindi na ko tatakbo papalayo sa iyo

Pero hindi ko napansin na tuluyang dumugo
Ang puso kong may butas no'ng nakatingin ako sa 'yo
Ngayon ko lang nalaman na ito'y dahil sa 'yo
Nalaman kong

Ikaw ang ligaw na bala na tumama sa puso ko
Ikulong mo sabi, kung ito'y totoo
Diretso lang ang byahe, 'wag ka nang lumiko
At tumingin sa iba, kasi nandito ako

Oh, kay ganda, alam mo ba kung bakit sa 'yo ako napunta?
Gusto ko lang masabi na minahal kita mula sa simula

Ikaw ang ligaw na bala na tumama sa puso ko
Ikulong mo sabi, kung ito'y totoo
Diretso lang ang byahe, 'wag ka nang lumiko
At tumingin sa iba, kasi nandito ako

Nandito ako
Nandito ako (nandito ako) para sa 'yo (para sa'yo)
Nandito ako (nandito ako)
Nandito ako



Credits
Writer(s): Mico Angeles
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link