Pasubali (Acoustic)

Kung pwede lang 'wag mo na 'tong iwasan
At 'wag mo ring ituring na biro
Marahil 'to'y 'di mo inaasahan
Pero sana'y 'wag ipilit ang pinto

Itikom ang bibig, mata'y ibaling sa 'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko, oh

Kailan mo ba matututunan?
Kailan mo ba 'pagsisigawang
'Di mo na 'pagkakailang tayo?
Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo

Ang diwa ko'y tigib sa kaiisip
Sa sarili'y laging may kinikimkim
Patuloy lamang bang mananaginip
At mananatili lang na nakapikit?

Ako'y mayro'ng batid, ito'y iyong pag-amin
Hindi na natin maiiwasan 'to, oh

Kailan mo ba matutunan?
Kailan mo ba 'pagsisigawang
'Di mo na 'pagkakailang tayo?
Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo

Itikom ang bibig, mata'y ibaling sa 'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko, oh

Kailan mo ba matutunan?
Kailan mo ba 'pagsisigawang
'Di mo na 'pagkakailang tayo?
Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo

Nagsusumamo na sabihin mo, oh-oh, ooh



Credits
Writer(s): Gosh Dilay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link