Pasubali (Radio Edit)

Kung pwede lang, 'wag mo na 'tong iwasan
At 'wag mo ring ituring na biro
Marahil 'to'y 'di mo inaasahan
Pero sana'y 'wag ipinid ang pinto

Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko

Kailan mo ba matututunan?
Kailan mo ba 'pagsisigawan?
Na 'di mo na 'pagkakailang tayo?
Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan?
Nagsusumamo na, sabihin mo

Ang diwa ko'y tigib sa kaiisip
Sa sarili'y laging may kinikimkim
Patuloy lamang bang mananaginip?
At mananatili lang na nakapikit?

Ako'y mayro'ng batid
Ito'y iyong pag-amin
Hindi na natin maiiwasan 'to

Kailan mo ba matututunan?
Kailan mo ba 'pagsisigawan?
'Di mo na 'pagkakailang tayo?
Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan?
Nagsusumamo na, sabihin mo

Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko

Kailan mo ba matututunan?
Kailan mo ba 'pagsisigawan?
Na 'di mo na 'pagkakailang tayo?
Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang 'yong kailangan?
Nagsusumamo na, sabihin mo
Nagsusumamo na, sabihin mo



Credits
Writer(s): Gosh Dilay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link