Di Namalayan

Nakikita kita lagi
Dati pa nga'y nakasabay sa daan
Ilang beses nakatabi
'Di man lang pangalan mo'y inalam

At sa isang tingin
Nagbago ihip ng hangin

Nahulog nang 'di ko namalayan
Hinahanap na kita nang hindi sinasadya
Bigla na lang 'di ko namalayan
'Pag naaalala ka, tila natutulala
'Di napansin, ano'ng gagawin?
Nahulog na

Nakasabayan sa may pilahan
Kunwa-kunwari, wala lang naman
'Di pinansin itong nararamdaman
Ngunit ako'y iyong nginitian

At sa isang tingin
Nagbago ihip ng hangin

Nahulog nang 'di ko namalayan
Hinahanap na kita nang hindi sinasadya
Bigla na lang 'di ko namalayan
'Pag naaalala ka, tila natutulala
'Di napansin, ano'ng gagawin?

Dahan-dahan naman
Ayoko munang pagbigyan
Itong nararamdaman
Ngunit bigla na lang kinawayan

Nahulog nang 'di ko namalayan
Hinahanap na kita nang hindi sinasadya
Bigla na lang 'di ko namalayan
'Pag naaalala ka, tila natutulala

Nahulog nang 'di ko namalayan
Hinahanap na kita nang hindi sinasadya
Bigla na lang 'di ko namalayan
'Pag naaalala ka, tila natutulala
'Di napansin, ano'ng gagawin?



Credits
Writer(s): Titus John D. Monterde
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link