Maasahan Mo Ako

Bawat sandali ng aking buhay
Umaga't gabi, ikaw ay nasa isip ko
Ngiti ng labi, ningning ng 'yong mata
Anyong kayumanggi, hugis ng iyong mukha

Mula no'ng bata pa ako hangga't ngayong binata na
Ikaw na ang aking tadhana

Walang nagbago, heto pa rin ako
Nagmamahal sa iyong tunay
Maaasahan mo ako
Maaasahan mo ako

Sikat ng araw, asul ng langit
Puti ng ulap at lamig ng hangin
Tila tumitingkad kapag kasama ka
Kay yaman ng buhay 'pag tayo'y dal'wa

Problema'y kayang-kaya, hirap ay nawawala
Ang kalooban ko ay buo

Oh, heto ako, umiibig sa 'yo
Pagmamahalan na tunay at walang hangganan
Maaasahan mo ako
Maaasahan mo ako

Oh-oh

Magbago man ang panahon, 'di pa rin magmamaliw
Ang pag-ibig natin, oh, giliw

Oh, heto ako, nagmamahal sa 'yo
Sa hirap at sa ginhawa, sa gabi't umaga
Maaasahan mo ako
Pagmamahalan na tunay at walang hangganan
Ako'y nagmamahal sa 'yo



Credits
Writer(s): Jim Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link