Pangako

Sasambitin ko muli sa iyo
Ang tugon sa gasgas mong tanong
Kung bakit mahal ay hindi ko alam
Ngunit kulang ako kung wala ka

Salamat
Sa iyong paghinga
Mundo ko'y binuhay mo nga

Sa bawat kisap ng mata
Iibigin ka

Sasambitin ko muli sa iyo
Ang pangako sa ating dalawa
Na kahit kailan ay hindi bibitawan
Hanggang tayo ay matanda na

Salamat
Sa pagmamahal
Mundo ko'y biglang nag iba
Sa bawat kirot at saya
Iibigin ka

Sa bawat saglit
Pangakong kailan ma'y di mawawaglit
Ang pagmamahal na tanging sagot
Sa aking dasal

Sasambitin ko muli sa iyo
Ang pangako sa ating dalawa
Na kahit kailan ay hindi bibitawan
Hanggang tayo ay matanda na

Salamat
Sa pagmamahal
Mundo ko'y biglang nag iba
Sa bawat kirot at saya
Iibigin ka



Credits
Writer(s): Jan Kristoffer Gutierrez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link