Banal na Diyos (feat. Fr. Dane Coronel)

Sa araw-araw na paglalakbay sa mundo
Sa awa at habag Mo umaasa ang tao
Sa sala kami'y iligtas Mo

Naliligaw naghahanap
Saan ba tutungo
Ninanais na magbalik
Sa mga bisig Mo
Yakapin Mo kami sa awa Mo

Banal na Diyos
Banal na puspo ng kapangyarihan
Banal na walang Hanggan
Kami ngayo'y dumudulog
At nananalig sa 'Yo Panginoon
Bukal ng kagalingan
Awang walang hanggan
Kami ngayo'y naririto
At sumasamo sa banal Mong harapan

Sa karamdaman tanging dulot Mo ay ginhawa
Sa nagsusumamo ang hatid Mo ay awa
Yakapin Mo kaming mga dukha

Banal na Diyos
Banal na puspo ng kapangyarihan
Banal na walang Hanggan
Kami ngayo'y dumudulog
At nananalig sa 'Yo Panginoon
Bukal ng kagalingan
Awang walang hanggan
Kami ngayo'y naririto
At sumasamo sa banal Mong harapan

Banal na Diyos
Banal na puspo ng kapangyarihan
Banal na walang Hanggan
Kami ngayo'y dumudulog
At nananalig sa 'Yo Panginoon
Bukal ng kagalingan
Awang walang hanggan
Kami ngayo'y naririto
At sumasamo sa banal Mong harapan

Kami ngayo'y naririto
At sumasamo sa banal Mong harapan



Credits
Writer(s): Roy Achilles Echaore
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link