Sa Iyong Tahanan (feat. Sem. Regin Ricio)

Ako'y Iyong inanyayahan
Tumungo sa 'Yong tahanan
Mahirap man ang lakbayin
Nanatili Ka sa 'king piling
Ikaw Kristo ang kumalinga
'Binalik sa abang kandungan

Aluin Mo sa 'Yong tahanan
Ang pusong nadirimlan
Yakapin Mo at hagkan
'Wag nang pakawalan pa
Samahang lumipad sa langit ng 'Yong pagmamahal
Pawiin ang bawat hikbi
Manahan kaylanman sa 'Yong tahanan

Wala Kang ninanais
Kundi ako'y makapiling
Ngunit sadyang kay rupok
Sariling nais sinusunod
Pag-ibig Mo pa rin ay tapat
Hinagkan ako sa aking pagbalik

Aluin Mo sa 'Yong tahanan
Ang pusong nadirimlan
Yakapin Mo at hagkan
'Wag nang pakawalan pa
Samahang lumipad sa langit ng 'Yong pagmamahal
Pawiin ang bawat hikbi
Manahan kaylanman sa 'Yong tahanan

Aluin Mo sa 'Yong tahanan
Ang pusong nadirimlan
Yakapin Mo at hagkan
'Wag nang pakawalan pa
Samahang lumipad sa langit ng 'Yong pagmamahal
Pawiin ang bawat hikbi
Manahan kaylanman sa 'Yong tahanan

Sa aking pag-uwi
Sa piling Mo't himlayan
Di na mawawalay pa
Pagkat kapiling Ka
Mananatili sa Iyong tahanan



Credits
Writer(s): John Patrick Alcantara
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link