Lingon

tangina, di ko akalaing makikita ka
kakaiba talaga ang tadhana
masakit pa rin palang makita ang kislap
ng iyong mga mata nang dahil sa iba

pasensya na, di ko mapigilan ang titigan ka
kakaiba, di ko halos kilala
masakit pa rin palang malaman
na hindi ako kasing saya pero pwede na

wag na lang isipin na ikaw pa rin
ang himig na sinta

di naman na ko umaasa pa
ayos lang sakin na wala na pero bakit ganon
ba't hanggang ngayon
hindi maiwasang sayo'y lumingon
ang akin lang, sayang ng ginugol kong
panahong dapat sa sarili ko na lang itinuon
sa halip magtanong
kung bakit hindi ka man lang lumingon

lang hiya, di pa rin sanay na nakikita kang
may ngiti't di ako ang kasama
masakit pa rin pala ang pag-alala
ng pagtawa ko noon nang dahil sa iyo

wag na lang isipin na ikaw na rin
ang hinahanap niya

ang akin lang, sayang ng ginugol kong
panahong dapat sa sarili ko na lang itinuon
sa halip magtanong
kung bakit hindi ka man lang lumingon
di naman na ko umaasa pa
ayos lang sakin na wala na pero bakit ganon
ba't hanggang ngayon
hindi maiwasang sayo'y lumingon

at wag na lang
isipin ang dating paglalaan
ng oras sa ating nakaraan
kung hawak na nya ang 'yong puso
di sige, kayo kung kayo
at di bale na
kung bukas pag gising andiyan ka pa
sa puso at diwa ng pagsinta
pagpapasalamat na lang ang 'yong alaala
pero kung pupwede baka naman

tangina, di ko akalaing makikita ka
kung pwede lang ba sana'y umalis ka na
kung pwede lang ba sana'y di na lilingon pa

di naman na ko umaasa pa
ayos lang sakin na wala na pero bakit ganon
ba't hanggang ngayon
hindi maiwasang sayo'y lumingon
ang akin lang, sayang ng ginugol kong
panahong dapat sa sarili ko na lang itinuon
sa halip magtanong
kung bakit hindi ka man lang lumingon
(bakit nga ba)
sana man lang nagawang lumingon
(sana man lang)
palagi't palaging sayo'y lilingon



Credits
Writer(s): Ashley Esa Saludes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link