Aking Lampara

Ang iyong kagandahan
Parang bahag-haring bagong silang
Liliparin kita
Nang Mapasakin kahulugan ng gunita

Kung habang buhay
Ang paghihintay
Handang magbantay
Hanggang sa hukay
Mamahalin kita
Kahit bituin ay mawalan ng hininga

Oh kung naririnig mo ang aking hiling
Sana'y pagbigyan ika'y marating kahit umiiling
Sa atin ang tadhana
Sa'tin ang tadhana

Kahit pa baliktarin
Ang memorya ko'y ikaw parin
Isa kang gasera sa dilim
Sa gabing puno ng pagtingin

At nanghihina pag dumarating
Papel at pluma ko'y sasambahin
Habang sinusulat ko ng mariin
Ang aking lihim na kinikimkim

Oh kung naririnig mo ang aking hiling
Sana'y pagbigyan ika'y marating kahit umiiling

Oh sinta
Liwanag mo'y kakaiba
Sana'y 'di ka mawala
Ikaw ang aking lampara

Sana sa'tin ang tadhana
Sa'tin ang tadhana
Kung Puwede lang sana
Sa atin ang tadahana



Credits
Writer(s): Fernando Cunanan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link