Pinagpala kayo ng Ama

Mapalad ang mga aba
Na wala nang inaasahan
Sa sanlibutang ito kundi ang Diyos
Sapagkat nararanasan
Nila ang tunay na galak
At bukas ang kanilang puso sa kailangan ng iba
At kaya pinakakain nila ang mga estranghero
Pinaiinom naman nila ang mga hindi kakilala

Panginoon, kailan po namin
Kayo nakitang gutom at nauuhaw?
Nang gawin 'nyo ito sa mga kapatid ko
Panginoon, kailan po namin
Kayo ipinasok sa puso't tahanan namin?
Nang gawin 'nyo ito, sa mga kapwa 'nyo
Kaya't pumasok kayo sa kaharian ko
Pinagpala kayo ng ama
Pinagpala tayo ng ama

Ang araw ay isang kaibigan
Ang kalabaw ay kapatid
At ang ulan ay isang biyaya mula sa langit
Mula pagsikat hanggang paglubog
Sa nilikha sila ang may-ari
Nag-aararo, nagtatanim, pawis ang pang-dilig
At ang Diyos ay nagtatago sa mga ito
Isang kaibigan, isang kapatid at isang biyaya



Credits
Writer(s): Pablo Muñoz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link