Silaw (Tower Sessions Live)

Nakagapos sa dilim
Tila kulang sa liwanag
Takot, nakapikit
Palipasin ang pag-ikot

Sa paglalim ng gabi
May nakitang maliwanag
At sa'yong pansin
Naaninagan ang may tawag

Sa'yo ako'y nasisilaw
Nasisilaw sa paglapit mo
Ngayon ay di itatago
Mananatili sayo,
Walang takot sa pag-ibig mo

Nais mong hingin
Mga luha, mga lihim
Kinuha mo sa akin
Ang bigat ng sinumpaan

Sa'yo ako'y nasisilaw
Nasisilaw sa paglapit mo
Ngayon ay di itatago
Mananatili sayo,
Walang takot sa pag-ibig mo

Lahat binubuo
Lahat napupuno
Nang umagos sa mundo
Ang pag-ibig mo

Sa'yo ako'y nasisilaw
Nasisilaw sa paglapit mo
Ngayon ay di itatago
Mananatili sayo,
Walang takot sa pag-ibig

Sa'yo ako'y nasisilaw
Nasisilaw sa paglapit mo
Ngayon ay di itatago
Mananatili sayo,
Walang takot sa pag-ibig mo



Credits
Writer(s): Barbie Honasan, Lee Simon Brown, Martin Honasan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link